Nagdeklara ng walang pasok ngayong araw, July 17 ang ilang lugar sa Cagayan mula preschool hanggang kindergarten dahil sa banta ng bagyong Crising.

Narito ang mga lugar na nagdeklara ng class suspension:

-Alcala
-Allacapan
-Abulug
-Ballesteros
-Calayan
-Enrile
-Gattaran
-Lal-lo
-Lasam
-Tuguegarao City
-Pampolona
-Peñablanca
-Piat
-Solana
-Sta. Praxedes

Makataas ang tropical cyclone signal no. 1 sa Cagayan dahil sa nasabing bagyo.

Kaugnay nito, nanawagan ang mga awtoridad sa mga mamamayan lalo na ang mga nasa low lying areas, nasa paanan ng mga bundok at nasa tabing-dagat na maging alerto.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Cagayan na handa na ang ahensiya sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Crising.

Ayon kay Rueli Rapsing, head ng PDRRMO, naka-activate na ang mga quick response stations ng Task Force Lingkod Cagayan at naka-predeploy na ang mga ito sa mga posibleng maapektuhang lugar.

Inatasan na rin ang mga barangay, municipal at ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na magsagawa ng pre-disaster risk assessment.

Tiniyak din ni Rapsing na lahat ng land at floating assets ay nasa maayos na kondisyon at maaaring gamitin sa anumang oras.

Naka-preposition na rin aniya ang mga non-food items sa mga quick response stations, habang ang mga food packs ay nakaimbak na sa mga warehouse ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).