TUGUEGARAO CITY- Suspendido ang ilang medical services ng isang private hospital sa Tuguegarao matapos na magpositibo sa covid-19 ang 20 nilang medical at health workers.
Ayon sa abiso ng Divine Mercy Wellness Center, wala munang admissions, operating room, delivery room, neonatal intensive care unit, walk-in diagnostics.
Ayon sa DOH, unang nahawa ang isang duktor sa nasabing ospital sa isang pasyente na may cancer, pnuemonia at iba pang karamdaman na nagpositibo sa virus.
Nahawaan naman ng duktor ang mga kasama nito ospital na kinabibilangan ng ilang duktor, nurses at medical technologist.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng contact tracing ang mga otoridad sa mga posibleng nakasalamuha ng mga ito.
-- ADVERTISEMENT --