Tumubo at nangingitim na ang ilan sa mga bagong aning mais ng mga magsasaka na hindi makabilad bunsod ng walang tigil na pag-ulan sa lalawigan ng Cagayan at karatig probinsiya.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Yolanda Mabborang, magsasaka ng Brgy Bagay, Tuguegarao City, nasa sampung porsyento ng kanilang kabuuang ani ang hindi na mapakikinabangan pa.

Itoy mga bagong aning mais na ilang araw na ring nakabalot ng tolda at nakatambak sa ginagawang bypass road sa Brgy Carig upang maibilad.

Gayunman, pinipilit aniya nilang isalba ang ilan sa mga mapakikinabangan pa upang may maibenta at makabawi sa gastos sa pagsasaka.

Kaugnay nito ay nagsasagawa na ng assesment ang City Agriculture Office sa pinsala ng Northeasterly surface windflow sa sektor ng agrikultura para sa kaukulang tulong na ibibigay sa mga apektadong magsasaka.

-- ADVERTISEMENT --