Nasa ilalim ng winter snow warning ang malaking bahgi ng Estados Unidos.

Ayon sa National Weather Service, na sa loob ng tatlong araw ay maaring makaranas ng hanggagn 16 na pulgadang kapal ng yelo ang New York City.

Dahil dito ay ilang mga estado ang nagdeklara na ng state of emergency.

Una ng idineklara ni Washingtonk, DC, Mayor Muriel Bowser ang state of emergency bilang paghahanda sa epekto ng snow storm.

Inanunsiyo rin ni Philadelphia City Mayor Cherelle Parker ang “Snow Emergency” kung saan matatapos lamang ito kapag bumuti na ang lagay ng panahon.

-- ADVERTISEMENT --

Dumarami rin ang bilang ng mga kanseladong flights .

Base kasi sa datos ng FlightAware na mayroong mahigit 1,500 flights na ang nakansela kung saan 60 percent sa mga ito ay mula sa Dallas-Fort Worth International Airport.

Ilan sa mga lugar na inaasahan magkakaroon ng makapal na yelo ay sa Tulsa, Oklahoma; Louiseville, Kentucky at Cincinnati, Ohio.