Nakitaan ng mataas na level ng chemical content ang ilang ibinebentang gulay at prutas sa Tuguegarao City.
Ayon kay Erlinda Tulauan ng Department of Agriculture (DA) Region II, kabilang sa mga nagpositibo sa pestisidyo o nahigitan ang katanggap-tanggap na maximum residue limit (MRL) ay ang mga gulay na inaangkat ng lungsod sa Nueva Vizcaya; Roxas, Isabela; Ilocos Region; at Solana, Cagayan.
Batay sa inisyal na resulta ng pagsusuri sa mga samples ng gulay at prutas, nakita sa mga ito na may mataas na level ng carbamate at organo-phospate content na lagpas sa pinahihintulutang limit.
Sinabi ni Tulauan na ang naturang mga substance ay mga uri ng kemikal na ginagamit sa pestisidyo na maaaring makalason at makapagpahina sa respiratory at muscle system ng isang tao.
Inirekomenda ni Tulauan na kailangang pagbawalang makapasok sa merkado ang mga produktong may mataas na pesticides residue habang maaari namang kainin ang below MRL.
Samantala, ang paghuhugas ng mga prutas at gulay ay makatitiyak na matatanggal ang 99% na chemical residues at dumi nito.
Kalimitan mas magandang ibabad muna ang gulay o prutas sa tubig saka banlawan uli, upang masigurado na matanggal ang nakadikit na dumi o chemicals