Mahigit apatnapung (40) indibidwal ang naantala ang kanilang byahe sa bayan ng Tinglayan, Kalinga dahil sa landslide sa Luplupa, Tinglayan nitong Linggo ng umaga, Disyembre 8, 2024.
Ayon kay MDRRM Officer Clemente Basing -at, nanatili sa evacuation center ang mga stranded individuals at inaasikaso rin ng LGU Tinglayan ang kanilang mga pangangailangan.
Ayon sa kanya, natapos sana ang clearing Operation ng DPWH – Upper kalinga District Engineering Office at iba pang tumulong dito kung hindi hahakutin pa at itatapon ang debris ng gumuhong lupa at bato dahil matatabunan ang ilang bukirin sa baba ng kalsada.
Inaasahang matatapos ng DPWH ang clearing operation para mabuksan sa lalong madaling panahon ang nasabing ruta o Tabuk – Bontoc road.