Nakibahagi ang mga local government units (LGUs) mula sa Cagayan Valley Region, sa Training on Operations and Maintenance for Vertical Structures sa pakikipagtulungan sa Regional Project Development and Management Unit (RPDMU) ng DILG.
Ang nasabing aktibidad ay inorganisa ng Office of Project Development Services (OPDS) sa ilalim ng Disaster Risk Reduction, Environmental, Other Infrastructure, and Non-Infrastructures (DRREOINI) Sector, na dinaluhan ng mga Municipal Engineers, Municipal Planning and Development Coordinators (MPDCs), Municipal Accountant, at Municipal Disaster Risk Reduction Officers mula sa limang munisipalidad sa buong Rehiyon 2.
Kasama sa mga kalahok ang mga kinatawan mula sa LGUs Alcala, Camalaniugan, at Gonzaga ng Lalawigan ng Cagayan, LGU Quezon mula sa Isabela, at LGU Aritao mula sa Nueva Vizcaya.
Ito ay naglalayong bigyan ang mga kalahok ng komprehensibong kaalaman at praktikal na patnubay sa epektibong hakbang sa Operations and Maintenance (O&M) para sa mga vertical na proyektong pang-imprastraktura.
Bukod pa rito kasama rin ang mga workshop sa paghahanda ng Annual Maintenance Work Plan (AMWP) upang suportahan ang mga LGU sa pagpapanatili at pagpapahusay ng functionality ng kanilang mga gusali at pasilidad.