Bahagyang hihigpitan ang pagbebenta at pagbili ng alak sa Tuguegarao City sa kasagsagan ng pag-iral ng general community quarantine hanggang May 31.

Sa bisa ng Executive Order No. 60 na nilagdaan ni Mayor Jefferson Soriano, magpapatupad ng limitasyon ang mga sari-sari stores o tindahan sa dami ng nakalalasing na inumin na binibili sa kanila.

Sinabi ni Soriano na isang bote lamang ng anumang klase ng alak ang maaaring bilhin ng isang indibidwal habang tatlo naman para sa mga delatang beer.

Kailangan namang masiguro ng mga High-Volume Retailers gaya ng supermarkets o groceries na may business permit ang mga bibili sa kanila para sa wholesale ng alak.

Paliwanag ng alkalde, kailangang limitahan ang pagbili at konsumo ng alak ay dahil sa mga napapaulat na disgrasya at kaguluhan na sanhi ng nakalalasing na inumin.

-- ADVERTISEMENT --
Bahagi ng pahayag ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano

Nauna na ring inihayag ng alkalde ang pagsunod ng mga stall owners sa “NO COVID SHIELD CONTROL PASS, NO ENTRY” sa ilalim ng EO. 59.

Maaari namang gamitin ng mga givernment employee at miyembro ng Academe ang kanilang office ID bilang pass sa mga establiyimento.

Habang proof of residency gaya ng sedula at ID with address ang maaaring ipakita sa mga establisyimento kung ang isang indibidwal ay nakatira sa barangay na sakop ng establisyimento.

Bahagi ng pahayag ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano

Ipapatupad na rin simula bukas ang pagbabawal sa pagbubukas ng mga salon at barber shop dahil hindi ito kasali sa inaprubahang resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Bahagi ng pahayag ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano

Samantala, sinabi ni Mayor Soriano na madadagdagan na ang mga papayagang tricycle na mamasada sa lungsod sa pamamagitan ng ipatutupad na color-coding scheme tuwing weekdays.

Sa bagong sistema ng pamamasada ng mga traysikel, ang pinapayagang mamasada tuwing Lunes ay Green; Blue sa Martes; Red sa Miyerkules; Orange sa Huwebes; at Yellow naman pag Biyernes.

Habang ipatutupad naman ang number-coding scheme batay sa huling numero ng kaha ng tricycle tuwing weekends kung saan ang numerong 1 hanggang 5 ay Sabado at 6 hanggang 9 at zero sa Linggo.

Paalala ng alkalde na isang pasahero lamang ang maaaring isakay at dapat may suot na face mask o face shield ang driver at ang pasahero.

Bahagi ng pahayag ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano