
Sa kabila na malakas ang sikat ng araw dito sa lungsod ng Tuguegarao, nakakaranas ng pagbaha ang ilang lugar dahil sa pinapakawalang tubig mula sa Magat Dam sa Isabela.
Ayon kay Marilou De Castro ng City Social Welfare and Development Office, umaabot na sa 13 families o 52 individuals ang isinailalim sa preepmtive evacuation mula sa tatlong barangay.
Sinabi niya na walong pamilya na binubuo ng 31 na katao ang lumikas mula sa San Gabriel, tatlong pamilya o 11 indibidual sa Cattagaman Nuevo, at dalawang pamilya o 10 katao sa Ugac Norte.
Sinabi niya na inaasahan na mas marami pang pamilya ang lilikas kung patuloy pa rin ang pagtaas ng tubig sa ilog sa mga susunod na oras, dahil ang Cagayan river sa lungsod ang catch basin ng tubig na nanggagaling sa Magat Dam.
Hindi na rin madaanan ng anomang uri ng sasakyan ang ilang kalsada at isang tulay sa lungsod dahil sa pag-apaw ng ilog.
Umaabot na sa 8.1 meters ang water level sa Buntun Bridge na malapit na sa critical level na 9 meters.
Anim na spillway gates na may 12 meters na opening ang Magat Dam.