
Posibleng maaresto at makulong sa Pasko ang ilang akusado sa mga kaso may kaugnayan sa flood control corruption.
Sinabi ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon, posibleng sa kulungan magpa-Pasko ang ilang akusado.
Ayon sa kanya, ang mga unang mga indibidual na posibleng maaresto ay ang mga isinama sa reklamo na inihain sa Office of the Ombudsman nitong buwan ng Setyembre.
Kinabibilangan ito nina dating DPWH district engineer Henry Alcantara at dating Bulacan 1st district assistant engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, maging ang contractor na si Sarah Discaya ng St. Timothy Construction Corporation.
Sinabi niya na posibleng ilang linggo na lang ang bibilangin ay may aarestohin, dahil pagkaupo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ay sinimulan niya ang proseso ng mga kaso.
Ayon kay Dizon, nakahanda ang Quezon City Jail – Male Dormitory sa pagkulong sa mga indibidual na sangkot sa flood control corruption na may Salary Grade 27 pataas.
Sinabi naman ni Remulla na handa rin ang Pasay City Jail na ikulong ang mga sangkot na personalidad na may Salary Grade 26 at pababa.










