TUGUEGARAO CITY-Pagkain ang isa sa mga problema ng ilang mga pinoy na kasalukuyang nasa military base ng US forces sa Kabul, Afghanisthan habang naghihintay ng flight pauwi ng bansa.
Ayon kay Rio Fabellore, manggagawa sa Kabul, Afghanisthan na tubong Laguna, ito’y dahil hindi sila kasama sa pondo ng mga militar.
Aniya, tanging ang mga iniwang pagkain ng mga una nang nakalabas ng Kabul na mga pinoy ang kanilang tinitipid sa ngayon na maaring aabot na lamang ng ilang araw.
Dahil dito, umaasa si Rio maging ang walo pa nitong kasama na darating ang kanilang plane na galing sa embassy na unang hiniling ng mga miembro ng samahang pinoy sa Afghnistan para sila’y makauwi bago maubos ang kanilang pagkain.
Sinabi ni Rio na ang mga pinoy na unang nakaalis ay sumukay sa british military aircraft na papuntang Dubai at Qatar.
Sa ngayon,bahagya umanong humupa ang kaguluhan doon dahil maraming dumating na sundalo pero may mga pinoy na kasalukuyan pa ring nasa safe houses at hindi makalabas dahil may mga Taliban forces na nag-iikot sa lugar.
Umaasa si Rio na makakarating ang mga kasamahan nitong pinoy na kasalukuyang nasa safe houses sa military base bago dumating ang kanilang plane para sabay-sabay silang makakauwi ng Pilipinas.