Hindi nakaligtas ang ilang police stations sa lalawigan ng Cagayan sa pananalasa ng bagyong Marce.

Sinabi ni PCAPT Shiela Joy Fronda, information officer ng Cagayan Police Provincial Office na nagtamo ng partial damage ang police stations sa Santa Ana, Buguey, Sanchez Mira, Aparri, Ballesteros, Lallo, at Allacapan, habang nagtamo naman ng pinsala ang patrol car ng PNP Alcala.

Ayon kay Fronda, inaalam pa kung magkano ang halaga ng mga nasabing pinsala sa mga nasabing police stations.

Bukod dito, sinabi ni Fronda na 55 personnel ng CPPO ang naapektohan din ng nasabing bagyo.

Ayon sa kanya, makakatanggap ang mga ito ng tulong mula sa Philippine National Police.

-- ADVERTISEMENT --