TUGUEGARAO CITY- Nasa 50% na mula sa kabuuang bilang ng mga persons deprived of liberty ang napalaya ng Ballesteros District Jail sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Ayon kay Senior Inspector Mark Anthony Saquing, jailwarden ng BJMP-Ballesteros na karamihan sa mga napalaya ay nakulong sa paglabag sa Dangerous Drugs Act.

Ngunit nilinaw ni Saquing na dumaan sa masusing evaluation ang pagpapalaya sa mga PDL alinsunod sa Republic Act No. 10952 o ang araw na maaaring ibawas sa prison term ng isang PDL na nagpakita ng magandang ugali sa loob ng kulungan.

ang tinig ni Saquing

Bukod sa solusyon sa congestion o siksikan sa kulungan, sinabi ni Saquing na nakatulong ang batas sa mga PDL na mabigyan ng pangalawang pagkakataon sa karapatan nilang magbagong-buhay.

-- ADVERTISEMENT --

Maliban sa Bucor chief, pinapayagan din sa batas ang mga warden ng Provincial district, city at municipal jail na magbigay ng GCTA sa mga qualified na PDL.