
Matagumpay ng isinagawang pulong-pulong at local peace engagement sa Sitio Llaga, Brgy. Mabono, Gattaran, Cagayan.
Pinangunahan ng 17th Infantry Battalion, Philippine Army ang nasabing aktibidad katuwang ang National Intelligence Coordinating Angency, Department of Social Welfare and Development, PNP-Gattaran, lokal na pamahalaan ng Gattaran, at SAMBAYANAN Cagayan Valley Cooperative.
Bilang bahagi ng programa, tinalakay ni Geric Pasis, NICA representative ang patungkol sa Anti-Terrorism at nagbigay paalala sa mga dumalo na huwag magpapalinlang sa mga teroristang grupo.
Nagbahagi rin ng kanyang karanasan si Ryan Daguyan, isang dating kasapi ng CPP-NPA-NDF na ngayon ay isa nang tagapagtaguyod ng kapayapaan.
Ayon kay Daguyan, nilinlang siya ng grupo noong siya’y nag-aaral pa lamang, pinangakuan ng libreng edukasyon at magandang buhay, ngunit ang natagpuan niya ay karahasan at pagdurusa.
Sa pagtatapos ng pulong-pulong, nagbigay ang DSWD, mga lokal na opisyal at kasundaluhan ng relief packs at mga damit sa mga dumalo bilang bahagi ng kanilang suporta sa mga residente na naglalayong makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilya at ipakita ang kanilang malasakit sa komunidad.
Lubos naman ang tuwa at pasasalamat ng mge residente sa nasabing lugar dahil sa kanilang natanggap na mga groceries, damit at pati na rin ang dagdag kaalaman tungkol sa




