TUGUEGARAO CITY-Nanghihinayang ang ilang magsasaka sa Solana, Cagayan matapos na nakawin ang kanilang mga palay kagabi.

Sinabi ni Wilmer Callueng, nagulat sila kaninang umaga ng balikan ang kanilang pinaglagyan ng kanilang mga palay sa pavement sa Barangay Gadu dahil sa wala na ang 23 sako na ang ilan sa mga ito ay kanyang bahagi sa inaning palay habang ang iba naman ay sa kanyang kapatid at isa pang magnanakaw.

Ayon kay Callueng, dry na ang nasabing palay at nakatakda na sanang ibenta.

Sinabi niya na tanging ang kanilang palay ang tinangay na mga kawatan dahil sa nasa mahigit 200 sako ng palay ang iniwan sa nasabing pavement para mabilis lamang na ibilad dahil sariwa pa ang mga ito.

Panawagan ni Callueng sa mga nanakawan din ng kanilang mga palay na ipagbigay-alam sa mga otoridad at kung sinuman ang makakakita sa mga kumuha ng kanilang palay iparating din ito sa mga otoridad para sa kaukulang aksion.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, may mga sumbong din na may 18 sako ng mais AT palay ang ninakaw sa Barangay General Balao at maging umano sa Sampaguita.