Iniulat ng Bureau of Customs (BOC) na may mga hindi wastong bayad ng buwis at duties sa ilang luxury cars na konektado sa pamilyang Discaya.
Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, lumabas sa kanilang paunang pagsusuri na may mga dokumentong kulang o hindi naaayon sa tamang proseso ng pagpaparehistro at pag-import.
Dagdag pa niya, kasalukuyan pa nilang bina-validate ang findings upang masigurong tama ang lahat ng detalye.
Kasalukuyang iniinspeksyon at pinoproseso ang 28 sasakyan na boluntaryong isinuko ng pamilyang Discaya, kabilang ang mga nasamsam sa compound ng St. Gerrard Construction sa Pasig City.
Titiyakin ng BOC na tugma ang mga dokumento mula sa kanila at sa Land Transportation Office (LTO) sa aktwal na sasakyan.
Ayon kay Nepomuceno, pananagutin ang sinumang nagpabaya o sangkot sa pagpapasok ng mga sasakyang walang tamang papeles at buwis.
Inaasahang maglalabas ang BOC ng paunang ulat sa Setyembre 9.