Inaalam na ng mga otoridad kung ilang bus at iba pang sasakyan ang nasunog sa impounding area ng Land Transportation and Franchising and Regulatory sa Board kagabi sa Tuguegarao City.

Ayon sa LTFRB at PNP, ngayon pa lamang nila malalaman kung ilan ang mga sinira ng sunog.

Sinabi pa ng LTFRB na aalamin din kung saan nagmula ang sunog.

Halos isang oras ang sunog na nagsimula pasado 10:00 kagabi.