Hinimok ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga Sangguniang Kabataan (SK) officials sa lalawigan ng Cagayan na kumpletuhin na ang mga requirements upang makuha ang P50K cash assistance sa ilalim ng No Barangay Left Behind (NBLB) program.
Ayon kay Lalaine Pamittan Opena, vision team member ni Governor Egay Aglipay, marami pang mga barangay ang hindi pa nakakuha ng naturang cash assistance dahil sa kabiguang makapagsumite ng mga requirements at pagpapalit ng liderato sa mga barangay.
Kabilang sa kailangang ipasa ay ang liquidation expences ng proyekto noong nakaraang taon, resolution ng mga SK officers sa ipatutupad na proyekto para sa mga kabataan, Memorandum of Agreement sa Barangay at valid I.D ng SK President.
Sinabi ni Opena na nakahanda silang tulungan ang mga SK officers na nahihirapan sa kanilang requirements upang makuha na nila ang kanilang pondo dahil ang mga unclaimed funds sa NBLB program ay ilalaan sa ibang programa.
Samantala, naglaan din ang Office of the Governor ng P200K na cash assistance para sa mga SK federations sa bawat munisipalidad sa lalawigan.
Gaya sa NBLB program ay mayroon rin requirements na kailanga ipasa para makuha ang pondo gaya ng project proposal.