Aabot na sa anim na transmission line facilities sa iba’t ibang lugar sa bansa ang apektado na ng bagyong Kristine.

Batay sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), kabilang sa mga naapektuhan ng hagupit ng bagyo ang Pitogo-Mulanay 69kV Line sa Luzon.

Apektado ng kawalan ng suplay ng kuryente ang Quezon Electric Cooperative 1 (QUEZELCO I).

Sa Visayas, naapektuhan na rin ang Paranas-Quinapondan 69kV line na nagsusuplay ng kuryente sa ESAMELCO, Maasin-Baybay 69kV Line, na nagsusuplay ng kuryente sa LEYECO IV.

Gayundin ang Ormoc-San Isidro 69kV Line, na nagsusuplay ng elektrisidad sa BILECO, LEYECO III, DORELCO, at LEYECO V, Calbayog – Bliss 69kV Line, na nagsusuplay ng kuryente sa SAMELCO I at Calbayog – Allen 69kV Line na nagsusuplay din sa SAMELCO I at NORSAMELCO.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, pinakilos na ng NGCP ang mga line crew nito at nagsasagawa na ng inspeksyun at restoration activities sa mga apektadong transmission facilities.