Tuguegarao City- Kasalukuyan pa rin ang monitoring ng Office of the Civil Defense Region 2, sa mga hindi madaanang tulay at mga kalsada sa lambak ng Cagayan bunsod ng epekto ng bagyong Pepito.

Sa panayam kay Micahel Conag, tagapagsalita ng OCD Region 2, bagamat mag mga overflow bridges at mga kalsadang humupa na ang tubig baha ay mayroon ding mga hindi pa maaaring daanan.

Sa pinakahuling update ng ahensya, apektado pa rin ng tubig baha ang mga overflow bridges sa Gagagbutan, Rizal at Bagunut Baggao dito sa Cagayan.

Kasama pa rito ang Capatan overflow bridge dito sa Tuguegarao.

Sa Isabela ay lubog pa rin sa tubig baha ang Cabagan-Sta. Maria overflow bridge, Cansan at Baculod sa Ilagan City, Alicaocao, Cauayan City maging ang Annafunan at Gucab sa Echague.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi pa ni Conag na kasalukuyan din ang clearing operation sa mga kalsadang apektado ng pagguho ng lupa kung saan one lane passable ang Dupax del Norte at Nueva Vizcaya- Benguet Road.

Dagdag pa rito ang Junction National Road, Casibu, Bambang at Solano Road, Cayapa provincial road at iba pa.

Apektado rin ang mga kalsada sa Aglipay, Maddela at Nagtipunan sa Quirino.

Ayon pa kay Conag, sa pakikipag-ugnayan ng kanilang hanay sa Department of Agriculture Region 2 ay umaabot sa mahigit 92.4M ang pagkalugi sa Palay, Mais at High Value Crops sa rehiyon.

Ito ay mula sa mga Lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at sa Quirino.

Batay aniya sa tala ng kagawaran ng Agrikultura ay aabot sa humigit kumulang 400 ektarya ang napinsala ng bagyong pepito.

Nakauwi na aniya sa kani-kanilang mga tahanan ang 494 na pamilyang inilikas mula sa 15 iba’t-ibang munisipalidad sa rehiyon dahil sa pagbaha.