TUGUEGARAO CITY- Patuloy ang monitoring ng Task Force Lingkod Cagayan (TFLC) sa mga lugar na nakararanas ngayon ng mga pag-ulan sa Cagayan.

Ayon kay Rueli Rapsing ng TFLC, nararanasan ang kalat-kalat at mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa iba’t ibang mga bayan sa Cagayan.

Sinabi nito na mas ramdam sa ibang mga bayan ang malakas na pagbugso ng hangin kaysa sa pagbagsak ng ulan.

Sa ngayon ay patuloy naman na binabantayan ang mga munisipalidad na madalas makapagtala ng pagguho ng lupa upang agad maabisuhan ang mga residente.

Sinabi naman ni Michael Conag ng Office of the Civil Defense Region 2 na ang nararanasang pag-ulan sa lalawigan at sa iba pang bahagi ng rehiyon ay bunsod ng hanging amihan.

-- ADVERTISEMENT --

Mula kahapon ay mayroon na ring mga hindi madaan na mga overflow bridges sa Isabela tulad ng Alicaocao overflow bridge sa Cauayan City, Baculod overflow bridge sa Ilagan City, Cansan-Bagutary at Cabagan Sta Maria overflow bridge.

Maging ang Capatan overflow bridge ay isinara na rin sa lahat ng uri ng mga sasakyan dahil sa malapit na itong maabot ng tubig baha.

Hindi na rin passable ang bahagi ng kalsada sa Centro 5 at Taft Street dahil sa baha.

Binabantayan rin ngayon ang mga downstream areas para sa monitoring sa pagtaas ng lebel ng tubig sa Cagayan River.

Sinabi ni Conag na wala pa namang mga naitatalang evacuees sa rehiyon.

Samanatala, nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa lahat ng mga LGUs at iba pang grupo/organisasyon upang makapagbigay ng tulong sa mga labis na naapektohan ng bagyong odette.