TUGEUGARAO CITY-Isinara para sa lahat ng motorista ang ilang tulay at kalsada sa Rehiyon Dos dahil sa muling pag-apaw ng ilog Cagayan dulot ng tuloy-tuloy na buhos ng ulan kasabay ng pananalasa ng bagyong Vicky sa bansa.
Ayon kay Francis Joseph Reyes ng Office of Civil defense (OCD)-region 02, ilan sa mga hindi na madaana ay ang Divisoria bridge sa bayan ng San Pablo, Alicaocao bridge, cabagan-Sta Maria overflow bridge cansan- bagutari overflow bridge at Santiago-Roxas road sa probinsya ng Isabela.
Tanging mga sasakyan naman na below 15 tons ang bigat ang pinapayagan sa Claveria Manila North Road habang one lane lamang sa Sta Praxedes Manila North Road.
Hindi rin passable ang Abusag Overflow bridge sa bayan ng Baggao, Cagayan-Apayao -Itawes road sa bayan ng Tuao, San Juan Bato road at Bunagan bridge sa Enrile, Tanna-anabukulan road at goran-cordova bridge sa Amulung.
Maging ang Tallag bridge at tawi overflow bridge sa bayan ng Peñablanca ay hindi na rin madaanan , zone 6 sa brgy. Minanga road sa bayan ng Lasam at tanging mga motorsiklo ang pinapayagan sa Calapangan bridge sa bayan ng Sto niño.
Dito sa lungsod ng tuguegaro ay hindi na madaanan ang capatan overflow bridge maging ang mga daan malapit sa pinacanauan nat tuguegrao at ilang barangay tulad ng Linao East at Annafunan East partikular sa core shelter.
Ilang mga residente na rin ang kusang lumikas kung saan nasa 358 na pamilya na katumbas ng 1,344 na indibidwal ang nasa iba’t-ibang evacuation center sa Cagayan habang 277 na pamilya na may 941 na indibidwal naman sa Isabela at limang pamilya na katumbas ng 23 indibidwal sa probisnya ng Quirino ang lumikas.
May 40 barangay mula sa limang bayan sa Cagayan ang nakararanas ng kawalan ng supply ng kuryente dahil mataas na ang tubig baha kung kaya’t kailangan ng magpatay ng ilaw ang mga kinauukulan bilang pag-iingat at para hindi na muling maulit ang pagkakaroon ng casualty dahil sa pagkakuryente.
Sinabi ni reyes na ilan sa mga lugar na ito ang bayan ng Alcala na may tatlong barangay, Tuguegarao City na 13 , Amulung na 12 , Enrile na 10 at Solana na dalawa.
Kaugnay nito, pinayuhan ni reyes ang publiko lalo na ang mga nangunguha ng kahoy sa kasagsagan ng paglaki ng ilog cagayan na kung maaari ay huwag muna itong gawin para maiwasan ang anumang aksidente.