
Limang turista ang namatay at marami ang sugatan ang iba pa nang bumaliktad ang isang bus na sakay ang mahigit 50 sightseers na mula sa pagbisita sa Niagara Falls sa New York State.
Ayon sa mga awtoridad, marami sa mga pasahero na pabalik na sa New York City ay mga Indian, Chinese at Filipino descent.
Sinabi ni State police spokesman James O’Callaghan, nangyari ang aksidente sa silangan ng Buffalo.
Ayon sa kanya, sa hindi pa malamang dahilan, nawalan ng kontrol ang driver ng bus, at ito ay bumaliktad.
Sinabi ng opisyal na may ilang katao na naipit sa loob ng bus, habang ang iba naman ay tumilapon nang mangyari ang insidente.
Idinagdag pa niya na may ilang pasahero ang nagtamo ng matinding pinsala sa katawan.
Buhay ang driver at dinala muna siya sa pagamutan bago siya isasailalim sa interogasyon upang malaman ang dahilan ng aksidente.
Ayon naman kay State Governor Kathy Hochul, nakikipag-ugnyan na ang kanyang estado sa state police at local officials na nagtatrabaho para tumulong sa rescue at magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.
Ang Niagara Falls ay isang sikat na tourist destination na matatagpuan sa US-Canada border.