Nananatiling stranded ang ilang turista sa Batanes dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng magkasunod na bagyo.
Ayon kay Dan Esdicol, Provincial Disaster Risk Reduction Management Council officer na dahil ito sa kanseladong biyahe ng mga eroplano papasok at palabas ng Batanes.
Gayonman, maayos aniya ang sitwasyon sa probinsiya sa kabila ng naranasang magkasunod na bagyo.
Samantala, labis naman na napinsala ang mga pananim sa fuga island at pinadapa ng malakas na hangin na dala ng bagyo ang mga palay.
Dahil dito wala umanong maani ang mga magsasaka ngayong taon.
-- ADVERTISEMENT --