Nadiskubre ng mga otoridad ang patagong kalakaran ng human organs sa bansa na binibiktima ang vulnerable people na inaalok ng malaking halaga kapalit ng isa sa kanilang kidneys.

Ayon sa National Bureau of Investigation, isang head nurse sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) in Quezon City ang sinasabing umano’y lider ng organ trafficking syndicate.

Sinabi ng NBI na pinaghahanap pa ang nasabing nurse na kinilalang si Allan Ligaya, habang naaresto naman ang tatlong kasamahan sa alegasyon na sangkot sila sa black market sa human organs sa Bulacan.

Kinumpirma naman ng NKTI na nagtrabaho si Ligaya sa government specialty hospital.

Inihayag ng NBI na ang tatalong suspects na naaresto na sina Angela Atayde, Marichu Lumibao at daniel Sicat ay inakusahan ng pangungumbinsi sa mga biktima na tanggapan ang P200,000 para sa isa sa kanilang kidneys na para sa transplant sa isang pasyente na handang magbayad.

-- ADVERTISEMENT --

Nagsagawa ng pagsalakay ang NBI kasama ang mga tauhan ng Bulacan police at Social Welfare and Development Office ng San Jose Del Monte City sa isang bahay sa lungsod matapos namakatanggap ng tip sa organ trafficking operation.

Siyam ang na-rescue sa operasyon at ipinasakamay sila sa social workers.

Ayon sa NBI, ang modus operandi ng mga suspects ay ipapakilala ang mga biktima sa umano’y recipient ng kanilang kidney at bibigyan sila ng paunang bayad.

Kasunod nito ay dadalhin sila sa isang bahay sa Barangay Tungkong Mangga in SJDM, kung saan ay susuriin sila kung sila at malusog para sa surgical procedure.

Mananatili ang mga biktima sa nasabing bahay habang sumasailalim sa iba’t ibang proseso hanggang sa mailipat ang kanilang kidneys.

Ayon naman sa Department of Justice, apat sa nailigtas na biktima ay natanggal na ang isa sa kanilang kidneys at naibenta na.