Nasa 2,500 boardfeet na Red Lauan lumber na isinakay sa isang Isuzu Forward Elf ang naharang ng kasundaluhan sa Quarantine Assistance Station (QAS) sa Brgy. Guilingan, Benito Soliven, Isabela.
Ayon kay Lt. Colonel Gladiuz Calilan, commanding officer ng 95th Infantry Batallion, Philippine Army, hindi madaling mapansin na kahoy ang karga ng truck dahil tinakpan ito ng mga sako ng mais.
Agad namang ipinasakamay ng kasundaluhan ang hindi na pinangalanang limang nahuling suspek, kasama ang driver ng truck sa pulisya habang nakatakdang i-turn over ang mga troso na walang kaukulang dokumento sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sinabi ni Calilan na galing sa bundok ng Sierra Madre ang mga illegal na kahoy at posibleng idinaan sa ilog bago ito tinangkang ibiyahe at naharang sa checkpoint.