TUGUEGARAO CITY – Nabawasan na umano ang iligal na mangingisda sa rehiyon dos matapos pinabigat ang parusa sa lalabag sa RA 10654 o ang Philippine Fisheries Code ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Atty Arsenio Bañares ng BFAR RO2, batay sa naamyendahang batas, mas mataas na penalty sa P1 milyon hanggang P45 milyon ang ipapataw sa sinumang commercial fishers na lalabag.
Hindi man agarang mapigilan ay magdadalawang-isip ang sinumang may intensyon na magsagawa ng iligal fishing dahil sa multa.
Dahil sa mahigpit na implementasyon ng batas, sinabi ni Bañares na bumaba rin ang bilang ng mga foreign fishermen sa karagatang sakop ng bansa.