CTTO: Tuguegarao City Information Office

TUGUEGARAO CITY – Dumating na sa kauna-unahang pagkakataon sa lungsod ng Tuguegarao ang sagrado at makasaysayang imahe ng poong Sto.Nino na nagmula pa sa Basilica Minore del Sto.Nino de Cebu.

Kahapon, nang ito ay sinalubong ng ilang elected officials ng LGU Tuguegarao at PNP RO2 na kaagad dinala sa St Peter Cathedral kung saan nagkaroon ng isang banal na misa.

Dadalhin ang imahe sa PNP RO2 para sa isasagawang mass wedding ng ilang miyembro ng kapulisan bago ito dadalhin sa LGU Tuguegarao at muling magkakaron ng misa at padasal ng mga mananampalataya.