Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi dapat madaliin ang proseso ng imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control.

Ayon sa pangulo, kailangan itong dumaan sa masusi, maingat, at legal na proseso upang matiyak ang pagiging lehitimo ng kaso at hindi matalo sa korte.

Giit pa ng pangulo, anumang kahinaan sa kaso ay posibleng magpahina sa kampanya ng administrasyon laban sa korapsiyon.

Mas malaking dagok din aniya sa gobyerno kung ipipilit ang kasong kulang sa ebidensiya at kalauna’y mababasura lamang.