Kinumpirma ng Malacañang nitong Martes, Mayo 20, na nagpapatuloy ang imbestigasyon sa mga opisyal ng gobyerno na umano’y sangkot sa agricultural smuggling.
Ayon kay Palace press officer Claire Castro, iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagsisiyasat bilang bahagi ng kanyang kampanya kontra katiwalian.
Matatandaang sinabi ni Marcos sa kanyang podcast na mismong ilang opisyal ng gobyerno ang sangkot sa rice smuggling at kaya patuloy ang importasyon.
Dagdag pa ni Castro, anumang ulat na matatanggap ng Pangulo ay dadaan muna sa beripikasyon bago aksyunan.
Kung may sapat na ebidensya, kakasuhan ang mga sangkot ayon sa DOJ.
Bagamat walang pinangalanang opisyal, sinabi ni Marcos na kailangang may palitan sa batas at sa mga tao.
Naipasa na rin ng Kongreso ang Republic Act 12022 o Anti-Agricultural Economic Sabotage Act na nagtatakda ng habambuhay na pagkakakulong at mabigat na multa para sa mga lalabag.