Patuloy na nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya sa pagkakakilanlan ng tumakas na suspek sa pamamaril sa sasakyan ng isang bise alkalde lulan ng isang pamilya na ikinasawi ng ina sa Brgy. Dugayong, Piat, Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni P/Cpt Gil Pagulayan, hepe ng PNP-Piat na kumakalap na sila ng karagdagang ebidensya matapos makuhanan ng pahayag ang mga biktima na nagpapagaling na sa pagamutan.

Dagdag pa ni Pagulayan na sinisilip na nila ang lahat ng anggulo kung ano ang posibleng motibo sa pamamaril noong August 7 na ikinasawi ni Eunice Aquino Mallorga habang sugatan ang kanyang asawa na si Rex Anthony, at 2 years old na anak, pawang taga- Gagabutan, Rizal at Simeon Baloran ng Buntun, Tuguegarao City.

Bukod sa mga basyo ng bala, narekober sa crime-scene ang isang cal.38 na baril at mga bala habang isang short firearm barrel ng cal.45 ang narekober umano sa isa sa mga biktima.

Samantala, nanawagan naman si Pagulayan sa publiko na agad na ipagbigay alam sa mga otoridad ang anumang impormasyon na makapagtuturo sa suspek para makamit ang hustisya.

-- ADVERTISEMENT --