
Hindi kinumpirma ni Senador Imee Marcos kung dadalo siya sa nakatakdang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa Lunes, sa gitna ng hidwaan niya sa committee chair at Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson.
Matatandaang naging sentro si Marcos ng mainit na pagtatalo kay Lacson matapos niyang igiit na pinipigilan ng Blue Ribbon Committee ang minority senators na iugnay si dating House Speaker Martin Romualdez sa umano’y anomalya sa pondo para sa flood control.
Binatikos naman ni Lacson ang umano’y walang basehang paratang ni Marcos laban sa komite, at itinuro na hindi pa siya nakadalo sa alinman sa mga pagdinig na pinamunuan ng senador.
Nang tanungin si Marcos nitong Linggo kung dadalo siya sa kanyang magiging unang pagdinig, sagot nito ay “Bukas pa po ’yun.”










