Ipinaalam na ni Senate President Francis “Chiz” Escudero kay House Speaker Martin Romualdez na nakatakdang tanggapin ng senado ang House of Representatives panel of prosecutors para sa pagbasa ng impeachment charges laban kay Vice President Sara Duterte sa June 2, 2025.
Sa sulat ni Escudero kay Romualdez, aasahan ng Senado na babasahin ng prosecution ang pitong kaso sa ilalim ng Articles of Impeachment sa open session.
Sinabi pa ni Escudero na magco-convene ang Senado bilang impeachment court sa June 3 ng 9 o’ clock ng umaga para sa pagpapadala ng mga summons at iba pang mahahalagang orders.
Na-impeach sa House of Representatives si Duterte noong February 5, kung saan mahigit 200 kongresista ang nag-endorso sa reklamo laban sa kanya.
Siya ay inakusahan ng betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, graft and corruption, at iba pang high crimes.