Inihain ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte kanina.

Ang Makabayan Coalition ang naghain ng reklamo sa Office of the Secretary general ng Kamara, kung saan inindorso ito ng Makaban bloc.

Sa panayam, sinabi ni dating Bayan Muna representative Neri Colmenares na ang reklamo ay may kaugnayan sa hindi tamang paggamit umano ni Duterte sa confidential funds.

Matatandaan na sinabi ni Duterte nitong nakalipas na linggo na tuloy-tuloy ang paghahanda ng kanyang mga abogado para sa mga inaasahan nila na paghahain muli ng impeachment complaint laban sa kanya sa kabila na pinatibay ng Korte Suprema ang desisyon nito noong 2025 na unconstitutional ang reklamo laban sa kanya.

Inaakusahan si Duterte sa hindi tamang paggamit ng P3.3 billion intelligence funds mula sa kanyang iba’t ibang papel sa gobyerno.

-- ADVERTISEMENT --

Inaakusahan si Duterte sa hindi tamang paggamit ng P3.3 billion intelligence funds mula sa kanyang iba’t ibang papel sa gobyerno.

Makalipas ang ilang minuto, naghain naman ng ikalawang impeachment complaint sina Kiko Aquino Dee, dating presidential peace process adviser Ging Deles, at Father Flavie Villanueva.

Inindorso naman ito nina ML Party-list Rep. Leila de Lima at Akbayan Rep. Percy Cendaña.