Pormal nang tinanggap ng Senado ang apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte hinggil sa kasong betrayal of public trust matapos aprubahan ng Mababang Kapulungan.

Tinanggap ang Impeachment complaint ng tanggapan ni Atty. Reynaldo Bantug, secretary ng Senado, ang verified complaints laban kay Duterte na personal na dinala ni House Secretary General Reginald Velasco.

Umabot sa 215 miyembro ng Kamara ang lumagda sa impeachment complaint na higit pa sa kinakailangang lagda na 2/3 ng kasalukuyang miyembro ng Mababang Kapulungan.

Pangatlo si Duterte sa sinampahan ng impeachment complaint sa lahat ng impeachable officers ng bansa.

Una si dating Pangulong Joseph Estrada matapos pumutok ang Jose Velarde account na naglalaman ng milyong pondo.

-- ADVERTISEMENT --

Pangalawa si yumaong Chief Justice Renato Corona sanhi ng betrayal of public trust.

Dinala sa Senado ang ikaapat na impeachment complaint laban kay Duterte pero inilagay sa archive ng Mababang Kapulungan ang naunang tatlong reklamo.

Didinggin ngayon ng Senado na magiging impeachment court alinsunod sa itinakda ng batas.

Kailangan magkaroon ng 2/3 boto o 16 na bilang na senador na papabor sa impeachment complaint upang mapatalsik si Duterte sa puwesto at mahatulan ng “perpetual disqualification sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno, elected man o appointed.

Ngunit, inaasahang apat ang pinakamatinding kaalyado ni Duterte sa Senado kabilang sina Senador Ronaldo “Bato” Dela Rosa, Bong Go, Robin Padilla at Imee Marcos.

Kailangan ng kampo ni Duterte ng walong boto upang maibasura ang impeachment complaint mula sa 23 miyembro ng Senado.

Naunang nagbitiw si dating Senador Edgardo Angara sa Senado upang magsilbi ngayon bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) kapalit ni Duterte.

Itinalaga ng Mababang Kapulungan ang 11 miyembro na magsisilbing prosecutors sa impeachment trial na pangungunahan ni Chief Justice Alexander Gesmundo, ang ika-27 Punong Mahistrado ng Korte Suprema, bilang presiding officer na walang karapatang bomoto.