Inihayag ni Senate President Francis Escudero na walang isasagawa na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte hanggang sa pagbabalik ng mataas na kapulungan ng kongreso sa Hunyo.
Ipinaliwanag ni Escudero na maaari lamang na ma-convene ang impeachment sa plenary session, kung saan tinukoy niya ang Senate rules na kailangan muna na ihanda ng Senate President ang Senado para sa pagsasagawa ng paglilitis.
Ayon sa kanya, dahil sa hindi nag-convene ang impeachment court sa huling araw ng sesyon kahapon, posibleng isasagawa ang proseso sa June 2.
Gayunman, sinabi niya na maaari na nilang simulan ang pag-aaral sa lahat ng proseso may kaugnayan sa proseso, kabilang ang muling pagbasa sa rules of impeachment dahil sa kailangan na ito ay ma-update.
Idinagdag pa ni Escudero na hindi patas na asahan sila na aksionan ang Articles of Impeachment sa huling araw ng sesyon, dahil sa kailangan pa nilang suriin ang mga dokumento, lalo na ang mga lagda ng mga kongresista na nag-endorso sa reklamo.