
Pinayagan ng Senate impeachment court ang kahilingan ng House prosecution panel na maglabas ng subpoena para sa bank records, AMLC records, at tax records ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio.
Tinutulan ng depensa ang hakbang at iginiit na isa itong “fishing expedition,” ngunit sinabi ng prosekusyon na mahalaga ang mga dokumento upang maipakita ang kabuuang larawan ng mga alegasyon sa Article 2 ng impeachment complaint.
Ayon kay defense lawyer Michael Poa, iginagalang nila ang desisyon ng korte at susunod sila rito habang pinag-aaralan ang posibleng legal na hakbang.
Samantala, sinabi ng prosekusyon na wala silang nakikitang dahilan para pigilan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang BIR sa pagsunod sa subpoena para sa tax records ni Duterte.
Nagkaroon din ng palitan ng pahayag sina Senator-Judge Robin Padilla at Erwin Tulfo matapos ilabas ni Padilla ang kanyang depensa kaugnay ng summons ng Ombudsman. Iginiit ni Tulfo na hindi impeachment court ang tamang forum para sa personal na usapin ng mga senador.









