Patuloy ang monitoring activities ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Cagayan kaugnay sa implimentasyon ng kampanya na “konta bigay” habang papalapit na ang Barangay at Sangunaiang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Ayon kay Ma. Loida Urmatam, Provincial Director ng DILG Cagayan, patuloy sa pag-iikot sa mga Barangay ang mga trained personnel ng Municipal Local Government Operation Office (MLGOO) mula sa ibat ibang mga bayan upang magbigay ng karagdagang impormasyon kaugnay sa pagpapaigting sa kanilang kampanya upang maiwasan ang vote buying at vote selling ngayong halalan.
Saad niya, sa vote buying at vote selling ay hindi lamang pera ang pinag-uusapan dahil maging ang pagbibigay ng pangako ng isang kandidato sa mga botante na ilalagay sa posisyon sa oras na makaupo sa pwesto ay ikinokonsidera rin bilang “vote buying at vote selling
Hinihikayat ni Urmatam ang publiko na makipagtulungan upang maisulong ang “kontra bigay” at makamit ang malinis at payapang ngayong BSKE 2023.