Nagpataw ang Department of Agriculture (DA) ng temporary ban sa importasyon ng mga domestic at wild birds sa estado ng Michigan, USA.

Ito ay matapos iulat ng naturang estado sa World Organization for Animal Health ang local outbreak ng H5N1 o bird flu.

Ang pagpataw ng import ban ay sa ilalim ng Memorandum Order no. 24 na inilabas ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Sa ilalim din ng naturang memo, suspendido ang pag-isyu ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance ng Bureau of Animal Industry para sa mga poultry products na mangagaling sa Michigan, kabilang ang mga karne ng manok, day-old chicks, mga itlog, atbpa.

Unang naitala ang outbreak sa naturang estado noong March 29, 2024.

-- ADVERTISEMENT --

Batay sa nilalaman ng memo, lahat ng shipment ng mga poultry products na manggagaling sa Michigan na kasalukuyang bumibiyahe papasok sa Pilipinas, o nasa mga daungan na ay maaari pa ring papasukin, bastat ang mga naturang produkto ay nagawa o kinatay labing-apat (14) na araw bago ang deklarasyon ng outbreak.