Nag-iisip na si Ginang Celia, ina ni drug convict Mary Jane Veloso ng mga lulutuin para sa kanyang anak para sa nakatakdang paglipat sa kanya sa bansa, bagamat wala pang eksaktong petsa kung kailan ito mangyayari.
Pababalikin sa bansa si Veloso kasunod ng maraming taon na negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.
Sinabi ni Gng. Celia na magluluto siya ng adobong baboy at inihaw na isda dahil ito umano ang paborito ng kanyang anak.
Matatandaan na naaresto si Veloso noong siya ay 25 anyos pa lamang noong 2010 sa Adisucipto International Airport sa Yogyakarta dahil sa tangkang pagpuslit ng 2.6 kilograms ng heroin sa Indonesia.
Ayon kay Veloso, hindi niya alam na may laman na iligal na droga ang kanyang bagahe.
Kaugnay nito, sinabi ng mga anak ni Veloso na excited na rin sila na makasama muli ang kanilang ina.
Ang kanyang dalawang anak na lalaki ay 22 at 17 years old na iniwan niya noong sila ay dalawa at pitong taong gulang pa lamang.