Nagsimula na ang pagproseso ng mga aplikasyon para sa new set of queens na kakatawan sa Filipino community sa United States sa Miss World Philippines (MWP) na kokoronahan sa August.
Ang Filipino American representative, sa ilalim ng Miss World Philippines USA (MWP-USA) franchise, ay makikipagkompetensiya sa edisyon ng Miss World Philippines sa susunod na taon.
Ang pagsisimula ng inaugural search para sa MWP-USA, ay kasunod ng kickoff event na pinangunahan ng McLelland Entertainment Production (MEP), ang exclusive franchise holder ng MWP-USA.
Nagpahayag ng kanyang kasiyahan si MEP Executive Director Mary Jane McLelland sa pagdadala ng Miss World Philippines sa US, kung saan highlight dito ang kanyang passion sa pag-showcase ng kagandahan at talento ng mga Filipina sa global state.
Ang nakatayang korona ay ang Miss World Philippines USA and Miss Grand Philippines USA.
Opisyal nang inanunsiyo ng Miss World Philippines 2024 pageant ang 18 candidates, kung saan may mga bago at seasoned contestants.
Gayonman, hindi dito nagtatapos ang excitement dahil may dagdag na 26 candidates mula sa local at international franchise holders ang sasali sa kompetisyon.