Natapos na ng Iglesia ni Cristo (INC) ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Quirino Grandstand sa Maynila, isang araw bago ang nakatakdang tatlong-araw na pagtitipon.

Ayon sa ulat, hindi na kinakailangan ang tatlong araw upang maiparating ang mensahe ng simbahan hinggil sa hustisya, pananagutan, at transparency sa pamahalaan.

Tinatayang umabot sa 550,000 ang dumalo sa Luneta noong hapon ng Lunes, ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office. Noong unang araw ng protesta, umabot naman sa 650,000 ang bilang ng tao sa lugar.

Tinatayang 110,000 naman ang nanatili at nag-camp sa venue para sa ikalawang araw ng pagtitipon.

Ang layunin ng INC sa kanilang protesta ay humiling ng konkretong aksyon upang tapusin ang korapsyon sa mga flood control projects, at hindi upang pabagsakin ang pamahalaan.

-- ADVERTISEMENT --