Mag-aalok ang India ng libreng e-tourist visa para sa mga Pilipinong turista, bilang bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan at pagpapadali sa pagbiyahe ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

Inanunsyo ito sa Joint Press Statement ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Prime Minister Narendra Modi matapos ang bilateral meeting ng dalawa sa Hyderabad House dito sa New Delhi, India.

Ang nasabing benepisyo sa visa ay nakasaad din sa Declaration on the Establishment of a Strategic Partnership na nilagdaan nina Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa P. Lazaro at Indian External Affairs Minister Dr. S. Jaishankar.

Bukod dito, magkakaroon din ng direct flight para sa biyaheng Pilipinas – India at vice versa, na magsisimula sa Oktubre.

Kasabay nito, inimbitahan naman ni Pangulong Marcos sa mga taga-India na bisitahin ang Pilipinas sa gitna ng pribelehiyong makapunta ng bansa ng hindi na kailangan pang mag-apply ng visa.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpasalamat din ang Pangulo kay PM Modi para sa naturang prebilehiyo.