Personal na nakapulong ni Indian Prime Minister Narendra Modi si President Volodymyr Zelensky.

Matatandaan na nasa Ukraine ngayon si Modi para pagtibayin ang ugnayan ng dalawang bansa.

Ang pagdalaw ni Modi ay ilang linggo matapos na una nitong binisita si Russian President Vladimir Putin sa Moscow kung saan nadismaya si Zelensky at ilang mga bansa pagiging malapit ng dalawang bansa.

Nilinaw naman ni Modi na naninindigan ito na isinusulong niya ng mahigpit ang kapayapaan at wala itong pinapanigan na mga bansa.

Ilan sa mga tinalakay ng dalawang lider ay ang pagpapatatag ng negosyo at military cooperation ng India at Ukraine.

-- ADVERTISEMENT --

Nagkasundo ang dalawang bansa na magtutulungan sa larangan ng agrikultura, medisina, kultura at humanitarian assistance.