TUGUEGARAO CITY-Aminado si Jennifer Baquiran,museum curator ng Cagayan na hirap parin ang kanilang tanggapan na muling madevelop at buhayin ang mga indigenous language sa Probinsiya.
Ayon ka Baquiran, ito’y dahil natatabunan ng english at ibang lenggwahe ang mga indigenous language na mas madalas nang gamitin na sa ngayon.
Aniya, bagamat kasama sa curriculum ng Department of Education (Deped) ang pagturo sa “mother tongue” ,hirap parin umano ang ilang kabataan sa indigenous language dahil maging ang mga guro ay hindi marunong at kulang din sa resource material.
Dahil dito, isa sa mga plano na napag-usapan sa isinagawang 2019 International year of Indigenous Languages kasama ang National Commission for Culture and the Arts na dinaluhan ng mahigit 100 participants ay ang pagbuo ng sub committee na magmamandato at magkakaroon ng commitment sa bawat aktibidad ng sektor.
Bukod dito, sinabi ni Baquiran na pag-usapan din sa nasabing aktibidad ang pagkakaroon ng “Cagayan and the valley studies center” kung saan mailalagay ang lahat ng mga nagawang pag aaral sa probinsiya.
Kaugnay nito, naniniwala si Baquiran na muling makakahimok ng iba pang kababayan na magsulat, kumanta at magsalita gamit ang lahat ng mga indigenous languages dahil sa nasabing aktibidad.
Nabatid na ang mga indigenous languages sa probinsiya ay Ybanag , Itawes, Malaweg at Iraya ng isabela na kung saan 20 na lamang umano ang gumagamit
Aniya, batay sa pag-aaral ng kanilang tanggapan ang Iraya ay naging lenggwahe sa bayan ng Iguig at Tuguegarao City hanggang San Pablo, Isabela ngunit unti-unting nawala.