TUGUEGARAO CITY-Naghihingalo ang isang dolphin nang masagip ng mga mangingisda sa bayan ng Dingalan, Aurora habang nananalasa ang bagyong Ambo nitong Mayo 16,2020.
Ayon kay Ensign Johnson San Juan, station commander ng PCG- Aurora, nakita ang “indo-pacific bottlenose dolphin” na katamtaman lamang ang laki ng mga mangingisda habang sila’y nangingisda sa karagatang sakop ng Brgy. Paltic sa nasabing lugar.
Matapos sagipin at ipinagbigay alam ng mga mangingisda sa kanilang hanay ay namatay rin ang dolphin.
Agad namang ibinigay ng PCG ang namatay na dolphin sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sinabi ni San Juan na maaring napadpad sa gilid ng karagatan ang dolphin dahil sa malakas na hangin na nagdulot ng malalaking alon kasabay ng pananalasa ng bagyong Ambo sa bahagi ng Aurora.