Pumayag ang pamahalaan ng Indonesia na kahilingan ng Pilipinas na ilipat sa local prison sa bansa si convicted Filipino worker (OFW) Mary Jane Veloso.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.na uuwi na sa bansa si Veloso, kung saan ang pagbabalik ng OFW ay bunga ng mahigit isang dekadang diplomasiya at konsultasiyon.

Si Veloso na nasa death row ng Indonesia, ay naaresto noong 2010 matapos na makita ng mga awtoridad ng Indonesia ang 2.6 kg. ng heroin sa kanyang suircase.

Binigyan siya ng last-minute reprieve noong April 2015 nang sabihin ng pamahalaan ng Pilipinas na sumuko ang kanyang mga recruiters.

Pinasalamatan ni Marcos ang kanyang counterpart na si President Prabowo Subianto at ang buong Indonesian government dahil sa kanilang mabuting kalooban.

-- ADVERTISEMENT --