
Tuluyan nang ipinagbawal ng Indonesia ang lahat ng elephant ride activities sa kanilang bansa.
Ito ay kasunod ng pag-isyu ng Directorate General of Natural Resources and Ecosystem Conservation ng Ministry of Forestry ng Indonesia ng Circular Letter No. 6 of 2025, na opisyal na nagtatapos sa mga aktibidad ng pagsakay sa elepante sa lahat ng conservation at tourism facilities nationwide, ayon sa ulat ng South China Morning Post.
Nagbabala si Ratna Hendratmoko, pinuno ng Bali Natural Resources Conservation Agency, na siyang nangangasiwa sa implementasyon nito, na ang mga pasilidad na hindi susunod sa mga regulasyon ay maaaring maharap sa pagbawi sa kanilang mga operating permit.
Isa itong makasaysayang hakbang para sa kapakanan ng mga hayop, lalo na ng mga elepante na matagal nang ginagamit bilang aliwan ng mga turista.









