Inirekomenda ng Provincial Health Office (PHO) Cagayan ang pagsasagawa ng indoor residual spraying sa loob ng mga kabahayan bilang sagot sa tumataas na kaso ng dengue sa bansa.

Ayon kay Dr. Carlos Cortina ng PHO, mas epektibo ito kung ikukumpara sa “fogging” na itinataboy lamang ang lamok sa ibang lugar.

Maaari rin itong gawin sa labas ng bahay pero ang mismong dingding o pader ang sprayan para mapuksa ang mga dengue carrier mosquitoes.

Matatandaang, idineklara ng Department of Health ang national dengue epidemic kasuanod ng 150,000 kaso ng dengue mula January hanggang July 20 kung saan nasa 622 na ang nasawi.