Kumpiyansa si Finance Sec. Ralph Recto na magtutuluy-tuloy pa ang pagbagal ng inflation rate sa bansa, ‘o ‘yung antas sa pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Reco na magtutuloy ang downward trend ng inflation.

Sa katunayan, posible raw bumagal ng hanggang 2.5% ang inflation ngayong Setyembre.

Dahil daw ito sa pagbaba sa taripa sa bigas, pati na rin ang iba pang pagbaba sa presyo ng bilihin.

Nitong Agosto – bumagal ang inflation sa 3.3%.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahang ilalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang kanilang September inflation report sa unang linggo ng Oktubre.